Nakakaaliw naman talaga ang pagsusugal. Walang duda ‘dyan. Ang problema ay kapag sugal na ang nagpapatakbo ng buhay mo. ‘Yung tipong wala nang ibang ganap kundi sugal, wala nang kilig, wala nang lovelife, kung minsan nga wala nang kain, wala nang tulog, puro na lang sugal.
Sa seksyon na ‘to, yan ang pag-uusapan natin. Ipakilala namin ang konsepto ng responsible gambling at kung papaano mo ito maa-apply sa sarili mo. Titignan din natin kung anu-ano ang signs na need mo na ng tulong. At syempre, kung saan mo nga ba kailangan magpunta kung na-meet mo na ang checklist ng player na may gambling problem na. Lahat ‘yan at iba pa, aalamin natin dito.
Ano ang Responsible Gambling?
Ang responsible gambling ay pagkilala sa sarili mong mga limitasyon pagdating sa emosyonal, pinansyal, at mental na aspeto kapag naglalaro. Ibig sabihin, hindi mo pinu-push ang sarili mong kakayanan para lang makataya. Alam mo ang limits ng budget mo at kaya mong irespeto ‘yun.
Ito ‘yung tipong hindi ka naglalaro ng sobra-sobra o tumataya ng higit sa talagang kaya mong mawala sa’yo. Kaya mong matalo nang mapa-isa o ilan pang beses at umalis, tumalikod, at hindi ka na-stress. Hindi mo rin nararamdaman ang gigil na kurutan ang pambayad sa renta, ipon niyo ni misis, o bawasan ang pang-tuition ni junior.
Senyales na may Problema na
Mahirap man aminin pero may mga players na may problema na pero ‘di pa nila handang akuin ‘to. Mayroon naman ‘yung hindi nila alam na may problema na pala sila. Maging alin ka man sa dalawa, narito ang simpleng paraan para malaman kung kailangan mo na munang maghinay-hinay:
- Mas malaki na ang tinataya kaysa sa plano. Nagsisimula ka lang sana sa maliit, pero palaki nang palaki ang halaga para “makabawi.”
- Hinahabol ang talo. Sa halip na tumigil, mas lalo kang tumataya pagkatapos matalo, umaasang babalik agad ang nawala.
- Apektado na ang budget. Gumagamit ka na ng perang nakalaan para sa bills, pagkain, o ipon para lang makapaglaro.
- Hindi na makontrol ang oras sa paglalaro. Sinasabi mong saglit lang, pero umaabot ng oras o buong araw nang hindi mo namamalayan.
- Naiirita o balisa kapag hindi nakakapaglaro. Nakakaramdam ng stress, pagkainip, o inis kapag wala kang access sa bets o casino games.
- Nagtatago ng gambling activity. Hindi mo sinasabi sa pamilya o kaibigan kung magkano o gaano ka kadalas tumaya.
Paano at Saan Makakakuha ng Propesyonal na Tulong
Kapag napapansin mong hindi na kontrolado ang paglalaro at nagsisimula na itong makaapekto sa pera, relasyon, o mental health, hindi ito kahinaan. Ibig sabihin lang, oras na para humingi ng tulong. Mas maaga kang kumilos, mas madali ang pagbangon. Sa Pilipinas, may mga lokal at lehitimong organisasyon na handang makinig at tumulong nang kumpidensyal.
- National Center for Mental Health (NCMH): May 24/7 crisis hotline at outpatient services para sa mental health concerns, kabilang ang gambling-related stress at addiction.
- Philippine Mental Health Association (PMHA): Isang non-profit na may counseling, support programs, at referrals sa professionals.
- Department of Health (DOH): May mental health programs at referrals sa mga government-accredited facilities sa iba’t ibang rehiyon.
- Licensed Psychologists at Psychiatrists (Private Clinics): Kung may kakayahan, ang one-on-one therapy ay malaking tulong para maunawaan ang ugat ng problema at makabuo ng long-term plan.

